Lalaking nanirahan sa ilalim ng tubig sa loob ng 100 araw, umahon na! | GMA News Feed

2023-06-13 3

Matapos ang 100 araw, umahon na mula sa kanyang paninirahan sa ilalim ng dagat ang medical researcher na si Dr. Joseph Dituri. Nagtakda ito ng bagong record sa pinakamatagal na paninirahan sa ilalim ng tubig.

Nagsimulang tumira si Dr. Dituri sa ilalim ng dagat noong March 1 bilang bahagi ng isang eksperimento na tinawag na "Project Neptune 100." Layunin nito ang pagsamahin ang medical at aquatic research upang tulungan ang mga mag-aaral ng University of South Florida sa U.S.A.

Ang mga detalye, alamin sa video.